Nanumpa na ang halos 4,000 na mga bagong abogado sa harap ng mga mahistrado ng Korte Suprema at nilagdaan ang Roll of Attorney sa Pasay City.
Ipinaabot ni Associate Justice Ramon Paul Hernando, 2023 Bar chairman, ang kanyang pagbati sa kabuuang 3,812 Bar passers.
Pinaalalahanan din niya ang mga bagong abogado na ang kanilang tungkulin ay napakahalaga para sa mamamayan.
Hinikayat din ni Hernando ang mga bagong abogado na maging “visible example” na alagad ng batas na nagbibigay-diin na hindi dapat ayusin ang batas para sa kanilang sariling kapakanan.
Ito ang unang pagkakataon na isinagawa ang oath-taking at ang pagpirma ng Roll of Attorney sa parehong taon na isinagawa ang Bar examinations.
Ang mga resulta ng bar exam ay dati nang inilalabas nang susunod na taon pagkatapos isagawa ang mga pagsusulit.
Nakatanggap din ang mga bagong abogado ng Certificate of Admission to the Bar.
Aniya, lahat ng ito ay naaayon sa Strategic Plan ng Korte Suprema para sa Judicial Innovation 2022-2027 na isang limang taong proyekto ng SC, na naglalayong gawing moderno ang hudikatura ng bansa.
Una na rito, ang bar exam ngayong taon ay nagbunga ng 36.77 passing rate, mas mababa kaysa noong nakaraang taon na 43.47%