-- Advertisements --
Kinondena ni Sen. Grace Poe ang nangyaring panununog sa printing press ng pahayagang Abante.
Ayon kay Poe, malinaw itong pananakot, hindi lamang sa Abante, kundi sa mga mamamahayag na nagbabalita lamang ng impormasyon at nagsisiwalat ng korapsyon at maling gawain ng iba’t-ibang tao, kabilang na ang mga tiwali sa gobyerno.
Nananawagan ang mambabatas na magkaroon ng masusing imbestigasyon sa insidenteng ito, para mapanagot ang may kagagawan.
Hangad umano niyang mabigyan ng karampatang tulong sa lalong madaling panahon ang mga empleyado na nasaktan sa insidente.
“Huwag tayong matakot na magpahayag para sa katotohanan at para sa bayan,” wika pa ni Poe.