Kinontra ng Public Attorney’s Office (PAO) ang ulat ng pulisya hinggil sa posibleng sanhi ng pagkamatay ng 16-anyos na dalagita sa Lapu-Lapu City, Cebu na si Christine Silawan.
Sa isang panayam sinabi ni PAO chief Persida Acosta na malakas ang mga ebidensyang ginahasa at pinahirapan ang biktima.
Ito’y taliwas sa naunang findings ng Lapu-Lapu City PNP na nagsabing hindi rape ang puno’t-dulo ng krimen.
Posible rin daw na binuhusan ng asido ang mukha ng ni Silawan para hindi ito agad makilala ng mga otoridad.
Aminado si Acosta na tinanggihan ng ina ng biktima ang kanilang alok na re-autopsy.
Pero sa bisa umano kanilang imbestigasyon gamit ang macrophotographic lenses, nabatid may mga pasa at multiple hematoma sa sensitibong bahagi ng katawan ng biktima.
May mga marka rin daw ng pag-pwersa sa leeg nito, gayundin na imposoble umano na kinain ng hayop ang ilang internal organ ni Silawan.