Walang balak si Public Attorney’s Office (PAO) chief Atty. Persida Rueda Acosta na magbitiw sa pwesto, matapos ibato sa kaniya ang sisi kung bakit kaunti ang nagpapabakuna.
Nilinaw nito na bago pa man pumutok ang isyu sa Dengvaxia ay mababa na ang bilang ng mga nagpapabakuna.
Pahayag ni Acosta, hindi raw siya dapat ang sisihin dito, dahil mismong ang mga taga Department of Health (DOH).
Batay umano sa kanilangreport simula noong taong 2014, 2015, 2016, 2017 nasa 60 percent lamang na mga bata sa buong bansa ang kanilang nabakunahan.
Ibig sabihin ayon kay Acosta nasa 30 percent lamang sa milyong mga bata sa buong Pilipinas ang abakunahan.
Dagdag pa ni Acosta, ang ginagawa lamang nila sa PAO ay tulungan ang mga biktima raw ng Dengvaxia vaccine.
Hindi naman nagustuhan ni Acosta na ibaling ng DOHÂ sa kaniya ang sisi, kasunod ng pagtulong nila sa mga naging biktima.
Aniya, masakit sa kaniya na mismo ang DOH na kasama nila sa gobyerno ang naninira sa mga tumutulong sa katulad nila.
Naniniwala si Acosta na naghahanap lamang daw nang masisi ang DOH at ang PAO ang kanilang nakita.