-- Advertisements --

Ipinaalam mismo ni Public Attorney’s Office (PAO) chief Persida Acosta na personal itong nagpaalam kay Pangulong Rodrigo Duterte na hindi ito magpapaturok ng bakuna laban sa COVID-19.

Sinabi nito na noon pang Mayo 2021 ay ipinaalam na niya sa pangulo at pumayag naman ito.

Nauna rito, binatikos ni Pangulong Duterte si Acosta dahil sa tila dinadamay niya ang mga bata na edad lima hanggang 11-anyos na huwag din magpabakuna laban sa COVID-19.

Tinutulungan kasi ni Acosta ang mga petitioners na mga magulang na kontra sa pagpapabakuna laban sa COVID-19.