-- Advertisements --
Persida Acosta
PAO Chief Persida Acosta

VIGAN CITY – Hindi umano patitinag sa Dengvaxia issue ang Public Attorney’s Office (PAO) kahit na unti-unti nang nareresolba ang mga kasong nauna nilang isinampa sa Department of Justice (DOJ).

Kasabay nito, nakatakdang isampa ni PAO Chief Atty. Persida Rueda Acosta sa DOJ sa November 18 ang ika-limang batch ng dengvaxia case na binubuo ng limang kaso dahil sa pagkamatay umano ng limang batang nabakunahan ng nasabing anti-dengue vaccine.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Vigan, sinabi pa ni Acosta na may mga pagkakataon umano na tila nagpaparamdam sa kaniya ang mga biktima ng kontrobersyal na bakuna.

Bagama’t hindi umano ito naniniwala sa multo, hindi umano niya maiwasang isipin na kapag nakakaramdam ito ng kakaiba ay tila gustong ipahiwatig sa kaniya ng mga biktima na ipagpatuloy lamang nito ang laban para sa kanila sa kabila ng ilang pambabatikos na kaniyang natatangap.