Gagawa ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ng database ng mga dayuhang manggagawa ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) para makatulong sa kanilang deportasyon.
Ito ay ibinunyag ni PAOCC Director USec. Gilbert Cruz matapos ipag-utos ni PBBM ang tuluyang pagbabawal ng lahat ng POGO sa bansa sa kaniyang ikatlong SONA.
Ayon sa PAOCC official, sapat na ang 5 buwan na ibinigay sa kanilang ni Pangulong Marcos para maabot ang kanilang layunin kabilang na ang pagtukoy sa pagkakakilanlan ng bosses ng POGO.
Mahalaga aniya ang database para masigurong lahat ng POGO workers ay tuluyan ng mapapadeport sa kanilang pinagmulang mga bansa.
Naniniwala din ang opisyal na layunin ng direktiba ng Pangulo na matuldukan na ang laganap na gambling activities na naging bagong lugar para sa POGO upang pagtakpan ang kanilang mga krimen.