-- Advertisements --

Umabot sa kabuuang 453 katao ang naaresto ng Presidential Anti Organized Crime Commission (PAOCC) at iba pang law enforcement agencies sa isinagawang pagsalakay sa isang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Pasay City kagabi, Feb. 26.

Ayon kay PAOCC Undersecretary Gilbert Cruz, ang naturang hub ay nag-ooperate na sa loob ng dalawang taon.

Mula sa mahigit 450 kataong naaresto, 401 sa kanila ay pawan mga dayuhan.

Kinabibilangan ito ng 207 Chinese, 132 Vietnamese, 24 Korean, 14 Indonesian, 11 Malaysian, 12 Burmese, at isa mula sa Madagascar.

Paliwanag ni Cruz, dati nang isinara ang naturang hub ngunit kinalaunan ay natuklasang patago itong nago-operate sa loob ng 7-story building.

Gayonpaman, pinalitan na aniya ang kanilang aktibidad mula sa dating offshore gaming patungo sa scamming tulad ng love scam, investment scam, atbpang uri ng panloloko na pangunahing bumibiktima ng mga Pilipino.

Samantala, kasama rin sa mga natunton sa building ay 27 mga bata at ilang mga babaeng Pinoy na nagdadalang-tao.

Ayon kay Cruz, ang mga naarestong indibidwal ay hindi nakatira sa sinalakay na building bagkus, sila ay dinadala lamang palabas at papasok dito.

Naniniwala naman ang PAOCC na may iba pang kahalintulad na operasyon na nag-ooperate sa Metro Manila. Ayon kay Usec. Cruz, posibleng aabot pa sa 100 POGO ang narito ay may patangong operasyon.