-- Advertisements --
Nagbabala ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa publiko na huwag agad maniwala sa mga alok mula sa online lending apps.
Ayon kay PAOCC Executive Director Gilbert Cruz na ang isa sa mga tinatawag na red flags ay ang mabilis na pag-apruba ng loans.
Dapat rin na isipin ng publiko na ang pag-loan ay kailangan maghanap ng maraming dokumento at hindi ang paghingi ng social media.
Ilan sa mga paboritong target ngayon ng mga online lenders ay mga empleyado ng gobyerno at mga guro.
Hinikayat niya ang publiko na agad na isumbong sa kanila ang anumang ulat na pang-aabuso ng mga online lending company gaya ng pagbabanta sa buhay kapag hindi nakabayad sa tamang oras.