Pormal nang naghain ng reklamong qualified trafficking in persons ang Presidential Anti-Organized Crime Commission laban suspended controversial Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo 13 indibidwal at dating opisyal ng gobyerno na si Dennis Cunanan.
Ang mga reklamong ito ay may kinalaman sa umano’y pagkakasangkot nito sa ilegal na operasyon ng POGO sa Bamban, Tarlac at Porac, Pampanga.
Personal na nagtungo sa DOJ si Presidential Anti-Organized Crime Commission director Gilbert Cruz kasama si PNP spokesperson Col. Jean Fajardo.
Kahon-kahon na mga dokumento ang dala ng komisyon laban sa alkalde at sa iba pang indibidual.
Ang hakbang na ito ng PAOCC, ay matapos nilang makitan ng sapat na batayan at ebidensya na sangkot umano si Guo sa mga ilegal na operasyon ng POGO sa kanyang nasasakupang lugar.
Una nang itinanggi ng alkalde ang mga paratang na ibinabato sa kanya at iginiit na isa siyang tunay na Pilipino sa kabilang ng kawalang nito ng matibay na ebidensya na magpapatunay sa kanyang claim.