-- Advertisements --

Nais ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na kausapin ang mga mambabatas para sa pagpasa ng batas na dapat ay mapanagot ang mga may-ari ng bahay o establishimento na mayroong nag-ooperate ng mga iligal na Philippine offshore gaming operator (POGO) facility.

Ayon kay PAOCC executive director Gilbert Cruz, na sa mga daming raid na kanilang ginawa ay hindi napapanagot ang mga may-ari ng gusali kung saan nag-ooperate ang mga POGO.

Kadalasang itinatanggi kasi ng mga building administrator na hindi nila alam na iligal POGO pala ang mga nangungupahan sa kanilang opisina.

Magugunitang sa pinakahuling operasyon nila ay sa lungsod ng Makati kung saan nasa 200 na mga empleyado ang kanilang naaresto at ito ay matatagpuan sa pinaka-sentro ng lungsod.