-- Advertisements --

Mahigpit na binabantayan ng presidential anti-organized crime commission (PAOCC) ang mga iligal na daungan sa bansa na maaaring ginagamit upang magpasok ng iligal na droga.

Ayon kay paocc executive director gilbert cruz, ang pilipinas ay mayroong napakaraming open areas na pwedeng pasukan ng mga barko o maliliit na lantsa, kaya’t nagsagawa sila ng pag-aaral upang alamin kung gaano karami ang mga daungan sa bansa.

Sinabi ni Cruz na nasa 800 lamang umano ang naitalang listahan ng mga puerto o pantalan tatlong taon na ang nakalipas, ngunit nang isagawa ang bagong survey ay umabot na umano sa 300 ang mga daungan sa isang probinsya pa lamang.

Ibig sabihin marami ring illegal ports na pagmamay-ari ng mga pribadong indibidwal, at posibleng ito ang dahilan kaya’t napakabilis ding pumasok ng droga sa bansa.

Iginiit ng paocc na dapat matutukan ang undeclared ports.