Nanawagan ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na utusan nang bumalik ang mga foreign POGO worker sa kanilang bansa.
Ito, ang ipinahayag ni PAOCC spokesperson Winston John Casio, kasunod narin aniya ng direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) na i-ban ang mga POGO sa bansa.
Ayon kasi sa datos ng PAOCC mayroon pang 38 natitirang legal na nag ooperate ng POGO sa bansa.
Maalalang binigyan ang mga foreign POGO workers na hanggang Oktubre 15 upang i-downgrade ang kanilang 9G visa sa tourist visa at binigyan na mayroon na lang hanggang katapusan ng taon para manatili sa Pilipinas.
Sa imbestigasyong nakalap ng National Bureau of Investigation (NBI) bumubuo ng maliliit na grupo ang mga POGO sa kanilang residential area upang hindi sila matuntun ng mga awtoridad.
Nangamba naman si Casio na kung hindi aalis ang mga POGO workers sa bansa makakahanap aniya ng paraan ang mga ito para manatili pa sa bansa.
Umaasa naman si Casio na mapapauwi na sa madaling panahon ang mga nag downgrade ng kanilang visa na ayon sa Bureau of Immigration mayroong 12,000 foreign workers applicant ang nag downgrade sa working visa. (script and report by Bombo John Flores)