-- Advertisements --

Nangako ang pamunuaan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa mga naulilang sanggol na tutulong ang pamahalaan para sa mga pangangailang ng mga ito.

Umabot sa 15 na sanggol ang kinailangan tugunan ng ahensya matapos mapa-deport ang kanilang mga foreign na Ama na nagtatrabaho noon sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO).

Ayon sa PAOCC nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa iba pang tulong na kailangan ng mga naulilang sanggol.

Maaalalang noong Hulyo ay inuutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pag-banned sa lahat ng POGO sa bansa matapos masangkot sa human trafficking, serious illegal detention, at money scams.

Nitong Nobyembre, nilagdaan ni Marcos Jr. ang Executive Order No. 74 na naguutos sa lahat ng bansa tungkol sa pag-ban ng POGO at internet gaming licenses kung nalabag ang pinapatupad na batas sa operations nito kagaya ng license applications, license renewals, at kawalan ng permit para mag-operate.

Sa kasalukuyan 200 na POGO hub parin ang nanatiling nag ooperate sa bansa na ayon sa PAOCC 700 na indibidwal dito ay nasa pasilidad ng kanilang ahensya habang 250 sa mga ito ay nakahanda nang ipa-deport sa susunod na linggo.