Patuloy na tutuparin umano ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang kanilang mandato at ang order ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipatupad ang ‘total ban’ ng mga Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) sa loob ng bansa.
Ito ay matapos na magsulputan ang mga small POGO hubs na siyang hiwa-hiwalay ang operasyon na nakabase na sa mga tago at liblib na bahagi ng Pilipinas.
Paliwanag ni PAOCC Spokesman Winston Casio, binigyang lamang ng walong buwan ng Pangulo ang PAOCC para mapuksa nang tuluyan ang mga POGO hubs sa loob ng Pilipinas.
Kaya naman sunod-sunod ang mga nagiging raid operations nila sa mga hubs para sa tuluyang dispersement nito at asahan pa umano ang mas mahigpit na mga operasyon sa mga suusnod na araw.
Maliban sa paglilinis at pagraid ng mga hubs sa bansa, ani Casio, kung kakayanin din ng kanilang ahensya ay magsagawa rin ng rescue operations sa mga ikakasang raid at agad naman umanong makikipagugnayan sa iba pang ahensya para sa maayos na pagsasagawa ng mga operasyon na ito.
Sa ngayon hindi pa matukoy ni Casio kung ilang mga small POGO hubs ang nagooperate sa bansa dahil sa sobrang dami na nito sa ngayon.
Samantala, katuwang naman ng PAOCC ang ilan pang ahensya gaya ng Bureau of Immigration (BI), National Bureau of Investigation (NBI), Philippine Nationqal Police (PNP), at Department of Justice (DOJ) sa pagpuksa ng POGO hubs sa bansa.
Magpapatuloy naman ang mga ikakasang raids sa mga lugar ng Paranaque, Pasay at ilan pang bahagi ng bansa.