Tinitignan ngayon ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang pagpapadeport sa higit 1,000 mga Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) workers sa loob lamang ng 2-3 linggo.
Ayon kay PAOCC Executive Director Gilbert Cruz, ang mga POGO workers na ito ay mga nakaditene sa ilalim ng kustodiya ng PAOCC temporary detention facility sa Pasay City.
Ang ilan kasi sa mga ito ay mga sumasailalim sa dialysis at ginagamot dahil sa HIV at il;an pang sakit kaya naman titignan kung makakayanan na maiproseso na ang deportatson ng mga naturanag POGO workers dahil isa isa kasing kailangang lagyan ng dokumento ang mga trabahador dahil karamihan a mga nahuli at nananatili sa pasilidad ay mga walang pasaporte.
Samantala, dagdag naman ni Cruz, ang ma kaso ng mga deportees na walang pasaporte ay inilapit na ng ahensya sa mga embhada para mabigyan ng one-time travel document pabalik sa kani-kanilang mga bansa.