-- Advertisements --

Todo depensa si Paolo Contis sa paglitaw ng isyu na buntis na umano ang kapwa artista at nauugnay sa kanya na si Yen Santos.

Sa pamamagitan ng talent manager na si Ogie Diaz, sinabi raw ng 37-year-old actor na payat si Yen at nagmukha lang lumaki dahil nilipad ng hangin ang pantaas na damit nito.

Ugat ng isyu ay ang kumalat na larawan ng dalawa habang nasa Boracay kung saan nagkakaisa ang mga netizen sa pagpuna na tila lumaki raw ang figure ng 29-year-old sexy actress.

“Ang payat nga raw ni Yen Santos. Ang nakunan daw ay ‘yung paglipad ‘nung damit ni Yen Santos kaya nagmukha siyang mataba kasi ang hangin that time,” ani Ogie sa kanyang video blog.

Payo nito sa mga netizen, ibalato na lamang sa dalawa ang pagdetalye tungkol sa panibagong kontrobersya.

Hindi ito ang unang beses na magkasamang nagbakasyon ang dalawa- una ay ang kanilang Baguio getaway “as a friend” na nasundan pa sa Pangasinan.

Una nang inihayag ni Paolo na wapakels o wala na siyang pakialam sa mga “malilinis” na manghuhusga kasunod ng tila pagkumpirma sa dinner date nila noong mag-birthday si Yen.

Si Liliyen o mas kilala bilang si Yen ang itinuturong dahilan umano ng paghihiwalay ni Contis sa aktres na si LJ Reyes sa kabila ng pagkakaroon na ng anak.

Sa panig ni LJ, sa Diyos lang daw siya in love sa ngayon at abala sa kanyang online business niya habang tumutulong din sa coffee shop ng kanyang ina sa New York.