-- Advertisements --

Nagsalita na ang actor na si Paolo Contis sa isyung hiwalayan nila ni LJ Reyes.

Sa kaniyang Instagram account sinabi nito na walang dapat na sisihin sa pangyayari kung hindi ang kaniyang sarili.

Inamin din nito na nagkaroon ng third party at siya ay naging marupok.

Labis itong humingi ng tawad kay LJ at mga anak nito kung saan ikinakahiya niya ang kaniyang ginawa.

Paglilinaw pa nito na hindi dahilan sa hiwalayan nila ang actress na si Yen Santos.

Kaibigan lamang aniya nito si Yen kung saan siya ang kaniyang nakakasama tuwing mayroong hindi pagkakaunawaan ni LJ.

Nirerespeto aniya nito ang desisyon ng actress na dalhin ang anak sa US.

Nanawagan na lamang ito sa bashers na siya lamang ang sisihin at huwag ng idamay ang ibang tao.

Humingi na lamang ito ng privacy at pagdarasal sa kaniyang pinagdaraanan ngayon.