Naniniwala si Presidential son at Deputy Speaker Paolo Duterte na karapatan ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na igiit ang kanyang claim sa speakership post pero marami pa rin ang sumusuporta kay Speaker Alan Peter Cayetano.
Pero aminado ito na ang hati siya at iba pang mga kongresista hinggil sa labanan sa posisyon sa pagitan nina Velasco at Cayetano dahil na rin sa pagkakaibigan na nabuo sa mga nakalipas na taon.
Nakakalungkot lamang aniya na ang Kamara ay nababalutan ngayon ng putik dahil sa girian nina Velasco at Cayetano.
“I am saddened that it has come to this—a House divided. And if we remain a House divided, we will fail in our mandate to serve the people as their representatives,” ani Duterte.
Nangangamba siya na kung manatiling hati ang Kamara ay hindi nila magagampanan ang kanilang mandato na pagserbisyuhan ang publiko bilang halal na kinatawan ng taumbayan.
Pero sa oras na dumating man aniya ang panahon na pagbotohan ang susunod na lider ng Kamara, sinabi ni Duterte na umaasa siyang ang maihahahalal sa posisyon ay committed at naiintindihan ang pangangailangan ng kanikanilang mga constitutents.
Pinayuhan din nito ang mga kapwa niya kongresista na bumoto ng hindi base lamang sa convenience o affiliation o iyong may dignidad at totoong nararapas sa posisyon.
Umaasa rin ang Presidential son na kalaunan ay maisasantabi ang politika sapagkat mas matimbang ang relasyon at pakikisama na nabuo sa Kamara kaysa politika.