QUEZON CITY – Sa harap ng mga kapwa kongresista, inihayag ni presidential son Davao City Rep. Paolo Duterte ang kanyang mariing pagtutol sa term sharing ng ihahalal na House Speaker.
Nitong umaga nang pangunahan ng nakababatang Duterte ang nominasyon kay Taguig City Rep. Alan Peter Cayetano bilang speaker ng 18th Congress.
Ito’y sa kabila ng mga naunang ulat na may kasunduang term sharing sa pagitan nina Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.
“I am against any term-sharing agreement,” ani Paolo.
“However, if the Speaker resigns after 15 months, then we will have to elect a new Speaker,” dagdag pa nito.
Nauna nang inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na uupo si Cayetano bilang lider ng Kamara sa loob ng 15 buwan habang mayroon namang 21 buwan para hawakan ang posisyon si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.