-- Advertisements --

Inianunsyo ngayon ni Presidential son at Davao City Rep. Paolo Duterte ang kanyang pag-atras sa speakership race.

Sa kanyang statement ngayong Sabado, sinabi ni Cong. Duterte na nagkausap na sila ni Pangulong Rodrigo Duterte noong gabi ng Huwebes at nagkasundong hindi pa ngayon ang tamang panahon para siya ay maging House speaker.

Ayon Cong. Duterte, maaari naman daw siyang makatulong sa administrasyon ng kanyang ama bilang miyembro ng Kamara.

“I have personally spoken to President Rodrigo Duterte Thursday night in Davao City regarding my plan to run for speaker of the House of Representatives. We both agreed that this will not be the right time for me to be Speaker and I can still help his administration from the House in a different capacity,” ani Cong. Duterte.

Idinagdag pa ng nakababatang Duterte na bilang presidente ng Hugpong ng Tawong Lungsod, susuportahan nito ang speakership bid ni Davao City 3rd District Rep. Isidro Ungab na miyembro ng kanilang sister party na Hugpong ng Pagbabago (HNP).

Nasabihan na rin daw si Pangulong Duterte kaugnay sa pagsali ni Cong. Ungab sa speakership race.

“As President of Hugpong sa Tawong Lungsod, I will support the bid for speakership of Congressman Isidro Ungab from our sister party, Hugpong ng Pagbabago,” dagdag ni Cong. Duterte.