-- Advertisements --

Pasok sa Spotify Viral Chart ang kanta ng trending Filipino singer-songwriter na si Paolo Sandejas matapos maitampok ang kanyang kantang “Sorry” sa vlog ni V ng global pop sensation na BTS. Unang pumwesto ang kanta sa 28th spot ng nasabing chart at ito ngayon ay kasalukuyang nasa number 12. Umabot na rin ang nasabing vlog sa mahigit 13 million views.

Ang kantang “Sorry” ay bahagi ng 2020 Purple Afternoon EP ni Paolo, na sa kasalukuyan ay umaani ng papuri mula sa netizens.

Sa pahayag ng 22-year-old singer sa Star FM, nagpasalamat ito kay V at sa suporta ng fans, at sinabi nito kung ano ang kanyang plano matapos nga ang bago nitong milestone sa kanyang singing career.

“I am working on a new EP. I’ve been working for the past couple of months. I am just trying to make sure that I get the right songs together to make it a memorable EP. I hope you guys do know that I am so thankful for all the support you’ve shown for my music, and to V, BTS and ARMY, you guys are awesome. Thank you so much!”

Bilang pasasalamat kay V at sa mga BTS ARMY, naglabas si Paolo ng cover nito ng “Christmas Tree”, ang OST ng “Our Beloved Summer” na inawit ng Korean superstar.

Noong June 26 lang ay nagtanghal si Paolo sa katatapos na Golden Melody Awards sa Taiwan o katumbas ng Grammys ng Estados Unidos.