-- Advertisements --

Pormal ng natanggap ni retired Supreme Court chief justice Artemio V. Panganiban Jr. , ang kaniyang papal award mula kay Santo Papa.

Isinagawa ang isang seremonya matapos ang misa sa Manila Cathedral na pinangunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

Ipinasakamay ni Advincula ang Pro Ecclesia et Pontifice na isang medalya ng ibinibigay ng Santo Papa sa mga tao na naglalaan ng kakaibang serbisyo sa Simbahang Katolika.

Labis naman ang pasasalamat ni Panganiban sa Santo Papa dahil sa nasabing pagkilala kung saan mula pa noon aniya ay malapit sa kaniyang puso ang paninilbihan sa simbahan.

Si Panganiban ay naging pangulo ng Manila Metropolitan Cathedral-Basilica Foundation at siya ang pang-21 Supreme Court Chief Justice ng bansa mula Disyembre 2005 hanggang 2007.