-- Advertisements --

CEBU – Dumating na sa Cebu si Papal Nuncio Archbishop Charles John Brown para sa 2nd National Mission Congress at ang canonical coronation ng Patrocinio de Maria Santisima sa Boljoon, Cebu.

Pasado alas 9:30 ng umaga nang dumating ang Papal Nuncio sa Cebu at personal na sinalubong sa airport nina Cebu Archbishop Jose Palma at Auxiliary Bishop Midyphil ‘Dodong’ Billiones.

Bukas, araw ng Linggo, opisyal na tatapusin ang pagdiriwang ng ika-500 anibersaryo ng pagdating ng Kristiyanismo sa Pilipinas, sa pamamagitan ng isang solemne procession at kasabay ang pag-concelebrate nang Papal Nuncio sa Closing Mass para sa 500 Years of Christianity na pangungunahan ni Bishop Pablo Virgilio David, Presidente ng CBCP at Archbishop Jose Palma ng Archdiocese of Cebu.

Inaasahan rin ang pagdalo ng hindi bababa sa 15 mga obispo na mula sa ibat-ibang lugar sa bansa.

Personal na babasahin ng Papal Nuncio ang mensahe ng Kanyang Holiness Pope Francis para sa 500 Years of Christianity at ang 2nd National Mission Congress.