Naniniwala si Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown na posibleng magtalaga na si Pope Francis ng posibleng kapalit ni Cardinal Luis Antonio Tagle sa Archdiocese of Manila.
Ayon kay Archbishop Brown, posibleng hindi na raw ito tumagal pa at maaaring maglabas na ng pasya ang Santo Papa.
Nang mag-umpisa ang tour of duty no Brown sa Pilipinas noong nakalipas na taon, sinabi nito na mas lalong bibilis ang proseso sa pagtatalaga ng bagong Manila archbishop.
Kung maaalala, kasalukuyang nasa “sede vacante” ang Archdiocese of Manila matapos italaga na si Tagle bilang prefect ng Congregation for the Evangelization of Peoples noong Pebrero ng nakalipas na taon.
Kasalukuyang namumuno sa archdiocese si Bishop Broderick Pabillo bilang apostolic administrator.
Maliban sa Maynila, mayroon pang limang bakanteng archdiocese sa bansa na kinabibilangan ng San Jose de Mindoro, Taytay, Calapan, Alaminos at Malaybalay.