CEBU CITY – Binigyang pansin ng Papal Nuncio to the Philippines ang pagkahumaling ng mga kabataan sa paggamit ng cellphone na kinalauna’y nagbunsod na aniya sa adiksyon.
Sa Homily ni Papal Nuncio Gabriele Giordano Caccia sa pagtatapos ng National Youth Day 2019 sa Cebu, sinabi nito na hindi lubos na maintindihan ng mga kabataan ang values na itinuro ng simbahan nang dahil sa sobrang paggamit ng cellphone.
Ayon kay Archbishop Caccia, ang kahalagahan ng komunikasyon ay hindi lang sa cellphone o sa social media, kundi ang pakikipag-usap at pakikisama sa ibang tao.
Dagdag pa ng Papal Nuncio na dapat ay pagtuunan ng mga kabataan ang halaga ng katahimikan, pagdarasal, paniniwala, pag-ibig, at pagsisilbi sa Panginoon.
Kaya naman hiniling ni Caccia na maging instrumento ang mga kabataang Pilipino bilang simbolo ng pag-ibig, awa, at kapayapaan sa bansa.
“The mobile phone is a great help. It’s a progress. It’s nice that everyone knows how to use it… When the mobile phone is dragged, communication is reduced to simple contacts. But it is not (just) contact, it needs to communicate,†bahagi ng 20-minute Homily ni Caccia sa kanyang closing mass sa Cebu City Sports Center.