-- Advertisements --

LAOAG CITY – Pinangunahan ni Archbishop Charles John Brown, Papal Nuncio to the Philippines ang misa sa Saint John the Baptist Minor Basilica sa bayan ng Badoc dito sa lalawigan ng Ilocos Norte.

Ito ay bilang bahagi ng ika-436 na anibersaryo ng pagdiriwang ng Parish Fiesta ngayong araw.

Aniya, isa sa mga pangunahing naobserbahan niya ay ang matibay na pananampalataya sa Diyos ng mga debotong Katoliko at ang mainit na pagtanggap sa kanya ng mga tao dito sa lalawigan.

Sinabi niya na siya ay ipinadala ni Pope Francis mula sa Vatican upang kumatawan sa kanya sa pagsasagawa ng malaki at espesyal na aktibidad.

Inanunsyo niya na inaasahang bibisita si Pope Francis sa Southeast Asia kabilang ang Singapore sa Setyembre.

Nais niyang bumisita ang Santo Papa dito sa Pilipinas sa pangalawang pagkakataon dahil ang huling pagbisita niya sa bansa ay noon pang 2015.

Aniya, ito ang unang beses na bumisita siya sa bansa.

Pagkatapos ng misa sa Saint John the Baptist Minor Basilica sa bayan ng Badoc, ang Papal Nuncio to the Philippines ay nagtungo sa Barangay Uguis sa bayan ng Nueva Era para sa paglulunsad ng Christ the King ngayong taon at bibisita sa Bishops Residence dito sa lungsod ng Laoag bago ito umuwi.

Sa panayam kay Archbishop Charles John Brown, ang Papal Nuncio to the Philippines

Samantala, ang Papal Nuncio to the Philippines ay binigyan ng mahigpit na seguridad ng mga miyembro ng Philippine National Police sa kanyang pananatili dito sa balwarte ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.