-- Advertisements --
Lalo pang lumakas sa nakalipas na magdamag ang bagyong may international name na “Kammuri” at tatawaging “Tisoy” kapag nakapasok na sa Philippine area of responsibility (PAR).
Ayon kay Pagasa forecaster Raymond Ordinario, taglay na ng naturang sama ng panahon ang lakas ng hangin na 130 kph at may pagbugsong 160 kph.
Huli itong namataan sa layong 1,350 km sa silangan ng Southern Luzon.
Kumikilos ito nang pakanluran sa bilis na 25 kph.
Mararamdaman umano ang epekto ng bagyo simula sa araw ng Martes, ngunit maagang magdedeklara ng signal warnings sa weekend para makapaghanda ang mga dadaanan ng sama ng panahon.