-- Advertisements --
Halos isa nang supertyphoon ang papalapit na sama ng panahon sa Philippine area of responsibility (PAR).
Ayon kay Pagasa forecaster Meno Mendoza, patuloy ang paglakas nito habang nananatili sa karagatan.
Wala rin umanong sagabal sa sirkulasyon nito dahil walang islang nadaanan mula nang ito ay mag-develop bilang ganap na bagyo.
Bagama’t gigilid lamang ito sa PAR at hindi tatama sa lupa, maaari naman nitong palakasin ang amihan.
Huling namataan ang sentro ng typhoon Hagibis sa layong 2,420 km sa silangan ng Central Luzon.
Kumikilos ito nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 30 kph.
May taglay itong lakas ng hangin na 200 kph at pagbugsong aabot sa 245 kph.