-- Advertisements --
Napanatili ng bagyong may international name na “Kammuri” ang lakas nito habang papalapit sa Philippine area of responsibility (PAR).
Ayon kay Pagasa forecaster Raymond Ordinario, maaari pang madagdagan ang pwersa ng hanging dala nito habang nasa karagatang Pasipiko.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,755 km sa silangan ng Visayas.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 85 kph at may pagbugsong 105 kph.
Kumikilos ito nang pakanluran sa bilis na 25 kph.
Inaasahang papasok ito sa PAR sa darating na weekend at bibigyan ng local name na “Tisoy.”