-- Advertisements --

Lalo pang lumakas sa nakalipas na mga oras ang bagyong may international name na “Phanfone” o tatawaging “Ursula” kapag nakapasok na sa Philippine area of responsibility (PAR).

Ayon sa Pagasa, huli itong namataan sa layong 1,365 km sa silangan ng Mindanao.

Taglay na nito ang lakas ng hangin na 65 kph malapit sa gitna at may pagbugsong 80 kph.

Kumikilos ito nang pahilagang kanluran sa bilis na 15 kph.

Kung magpapatuloy sa kaniyang direksyon at bilis, inaasahang tatama ito sa silangang bahagi ng Visayas sa darating na Disyembre 25, 2019.