-- Advertisements --
Unti-unti nang pumapasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ang typhoon Kammuri na tatawaging bagyong “Tisoy.”
Ayon kay Pagasa forecaster Raymond Ordinario, huling namataan ang sentro ng sama ng panahon sa layong 1,220 km sa silangan ng Southern Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 150 kph at may pagbugsong 185 kph.
Kumikilos ito nang pakanluran timog kanluran sa bilis na 15 kph.
Mas bumagal ito kumpara sa 20 kph na takbo nito kaninang umaga.
Inaasahang maglalabas ng tropical cyclone wind signals kapag nasa loob na ng PAR ang nasabing bagyo.