-- Advertisements --
TD 21 TRACK

Lumakas pa ang bagyong papalapit sa bansa habang nasa labas pa ito ng Philippine area of responsibility (PAR).

Ayon kay Pagasa forecaster Ana Clauren, nasa 55 kph na ang taglay nitong hangin at may pagbugsong 70 kph.

Inaasahang papalo pa sa tropical storm ang kategorya nito bago mananalasa sa Eastern Visayas at Mindanao sa Disyembre 24 at 25, 2019.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,810 km sa silangan ng Mindanao.

“Posible pong (December) 24 ng gabi o 25 ng umaga manalasa yung bagyong Ursula. Kaya asahan po natin ang malalakas na ulan at hangin na maaaring makapinsala sa mga dadaanan ng bagyo,” wika ni Clauren ng Pagasa forecasting center.

Samantala, ang binabantayang low pressure area (LPA) naman na nagdadala ng ulan sa Mindanao ay namataan sa layong 280 km sa timog silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.