-- Advertisements --
Hindi inaalis ng Pagasa ang posibilidad na lumakas pa hanggang maging super typhoon ang paparating na bagyong tatawaging “Tisoy.”
Ayon kay Pagasa forecaster Chris Perez, malayo pa sa lupa ang naturang sama ng panahon kaya maaari pa itong makaipon ng pwersa.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,470 km sa silangan ng Southern Luzon.
Taglay nito ang hanging 140 kph at may pagbugsong 170 kph.
Kumikilos ito nang napakabagal sa direksyong pahilagang kanluran.
Nagbabala rin ang weather bureau na maaaring magdulot ng baha kahit sa mga lugar na hindi direktang dadaanan ng bagyo.