Nasa 800,000 katao ang inilikas sa eastern coastal district ng India bago pa man tumama ang malakas na bagyo sa bansa na may dalang 200 kilometers o 125 miles per hour na hangin.
Inaasahan na tatama sa India ang bagyong Fani bukas.
Ayon naman sa isang opisyal ng state relief department, 1,000 eskwelahan at government buildings na ang inihahanda upang gawing evacuation centers.
Nagbigay babala na rin ang mga otoridad na maaaring maging sanhi ng malaking pinsala sa kanilang bansa ang pagtama ng nasabing bagyo.
Isinara na rin ng mga otoridad ang dalawang major ports sa bansa, ang Paradip at Visakhapatnamon, at inutusan na rin na pansamantalang tanggalin ang mga barko upang mabawasan ang pinsala.
Nagtalaga naman ang state government ng Odisha ng daan-daang disaster management personnel na isara ang mga eskwelahan at makiusap sa mga doktor at health officials na huwag munag mag-leave hanggang May 15.