-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Malaki ang pasasalamat ni Dinagat Islands provincial Governor Arlene Kaka Bag-ao sa muling pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanilang lalawigan kahapon.

Kabilang ang ilan sa kanyang mga Cabinet members, kanilang pinag-usapan ang intervention ng national government sa relief at recovery efforts matapos bayuhin ng malakas na Bagyong Odette ang isla.

Kasama ng pangulo sa kanyang pagbisita sa Dinagat Islands sina Senator “Bong” Go, Health Secretary Francisco Duque III, Interior Secretary Eduardo Año, at National Housing Authority General Manager Marcelino Escalada Jr.