-- Advertisements --
CEBU – Hindi dapat matakot at kailangan na ipagpatuloy ng mga media ang trabaho bilang mga kasapi ng fourth estate.
Inihayag ni Herman B. Basbaño, ang chairman ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas, na hindi dapat mangibabaw ang takot ng isang mamamahayag dahil may papel itong ginagampanan sa lipunan.
Aniya, ang mga banta sa buhay ay kasama na sa trabaho at isa ito sa napakaraming hamon na haharapin ng isang mamamahayag.
Ayon kay Basbaño na importante ang papel ng media para maisilbi ng gobyerno at ng mga otoridad ang kapayapaan at kaayusan.
Binigyang-diin nito na dapat masawata ang kultura ng impunity at dapat mangibabaw kung ano ang dapat bilang kasapi ng fourth estate.