-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Binisita ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista ang mga parent leaders ng mga benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Abra.

Nakibahagi ang opisyal sa orientation ng Parent Leaders ng 4Ps sa nasabing lalawigan.

Tinawag ni Bautista ang mga parent leaders bilang ‘silent heroes’ ng DSWD dahil sa kanilang pakikipagtulungan sa implementasyon ng programa ng ahensiya sa mga barangay.

Aniya, ang mga parent leader ang tumutulong sa DSWD para maramdaman ng mga mahihirap na Pilipino ang mga programa ng pamahalaan.

Kaugnay nito ay inihayag ni Bautista na may mga bagong benepisaryo ang 4Ps matapos ang isinagawang validation.