Nais ni Manila Rep. Joel Chua na imbestigahan ng mga ahensya ng gobyerno ang naging papel ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at anak nitong si Vice President Sara Duterte sa tangkang pagtakas sa batas ni Pastor Apollo Quiboloy, ang lider ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC).
Ayon kay Chua ang dating Pangulo ang tumatayo ngayong administrador ng KOJC compound kung saan nahuli si Quiboloy.
Sinabi ni Chua na mayroon ding pahayag ni VP Sara na wala na sa KOJC compound sa Davao City si Quiboloy na maaari umanong sinadyang sabihin upang makapanlinlang.
Iginiit ni Chua na dapat ay nakikipagtulungan ang lahat para mahuli ang mga wanted sa batas.
Si Quiboloy ay nahaharap sa kasong child abuse, sexual abuse, at qualified trafficking bukod pa sa mga kasong kinakaharap nito sa Estados Unidos.
Iginiit ni Chua na “No one is above the law—not even those who once held the highest positions of power in our country.”