-- Advertisements --

Patuloy ang pamunuan ng Department of Education sa paggawa ng mga hakbang na magpapagaan sa mga gawain ng guro sa bansa.

Ayon sa ahensya, target nilang maibaba ng hanggang 57% ang paperworks ng mga guro.

Batay sa datos ng ahensya, pumapalo sa 174 na mga school form ang ginagawa o sinasagutan ng mga guro na mabigat na para sa kanila.

Sa bagong panuntunan ng ahensya, limang forms na lamang ang kinakailangang sagutan ng mga guro.

Ibinaba rin sa 31 ang ancillary task at 39 na teaching related assignment.

Nilinaw naman ng ahensya na ito ay nakadepende sa posisyon ng mga ito sa paaralan na kanilang pinapasukan.

Pangunahing layunin nito na matutukan ng mga guro ang kanilang pagtuturo sa mga mag-aaral.