Nakatakdang magsagawa ng courtesy call kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang mga para-athletes ng bansa na sumabak sa katatapos ng 2024 Paris Paralympics.
Gaganapin ang heroes welcome sa darating na Huwebes Setyembre 12 ng hapon.
Sinabi ni Philippine Paralympic Committee president Michael Barredo, nais lamang ipakita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang kaniyang buong suporta sa mga manlalarong Pinoy.
Kahit na bigo ang mga Para-athletes ng bansa na makasungkit ng mga medalya ay nakita umano ng pangulo ang ginawa nilang pagpursige para makalaban.
Ang mga para-athletes ay binubuo nina gustina Bantiloc, para taekwondo jin Allain Ganapin, para wheelchair racer Jerrold Mangliwan, para javelin thrower Cendy Asusano at para swimmers Angel Otom at Ernie Gawilan.