-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Maliban sa mga domestic tourists, kinakailangang sumailalim sa antigen test ang lahat ng mga papasok sa isla ng Boracay.

Ayon kay Malay Mayor Frolibar Bautista kasunod ito sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Aklan.

Sa kasalukuyan aniya ay hinihintay pa nila ang pag-apruba dito ng Provincial at Regional Inter-Agency Task Force.

Sakop nito ang lahat ng mga lokal na turista, residente, manggagawa at Authorized Persons Outside Residence (APOR) na labas-pasok sa isla.

Ito ay kasunod ng pag-reclassify sa Aklan na isailalim sa Modifed Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Sakaling payagan, ang testing ay gagawin sa isang accredited antigen test system sa Barangay Caticlan.

Sinabi pa ni Mayor Bautista na ang requirement para sa antigen tests ay isang protective measures upang hindi mapabilang ang Boracay sa MECQ.

Nananatili ang Aklan sa GCQ with heightened restrictions hanggang sa Hulyo 22.