-- Advertisements --
Nakakuha na ng unang gintong medalya ang pambato ng Quezon City sa nagpapatuloy na 8th Philippine National Para Games.
Nagwagi kasi ng gintong medalya si Para swimmer Christian Benedict Paulino sa laro na ginanap sa Rizal Memorial Sports Complex swimming pool.
Ang 20-anyos na si Paulino ay nanguna sa men’s 400 meter freestyle S6-S7 sa loob ng anim na minuto sa looob ng 55.61 segundo.
Sinabi nito na ito ang unang pagkakataon niyang manalo sa National Para Games.
Labis siyang nasisiyahan dahil ito aniya ang simula para makasali sa Paralympics.