-- Advertisements --

Lalaban ngayong araw si Para swimmer Ernie Gawilan sa 400 meter freestyle S7 race sa nagpapatuloy na Paralympics sa Paris.

Ito ay matapos na bigong makausad sa medal race sa 200-meter individual medley SM7 si Gawilan at nagtapos ito sa pang-anim na puwesto.

Itinutuirng si Gawilan bilang siya ang pinakamagaling sa Asya sa nasbing event.

Nagwagi kasi na ito ng gintong medalya sa 2018 Asian Para Games sa Jakarta at noong 2022 Para Games sa Hangzhou, China.

Sinabi nito na handang-handa na siya at wala ng makakapagpigil pa sa kaniyang laban.

Sakaling magtagumpay ito ay sasabak agad ito sa medal race ng 400 meters free style sa araw ng Martes.