-- Advertisements --

Natapos na ang kampanya sa Paralympics ni para swimmer Angel Otom.

Ito ay ng magtapos siya ng pang-limang puwesto sa women’s 50 meters butterfly-S5 finals.

Mayroong kabuuang 45.78 seconds naitalang oras ni Otom para makuha ang pang-limang puwesto.

Nagwagi naman ng gintong medalya si Lu Dong ng China na mayroong 38.17 seconds kung saan binasag nito ang nakaraang record niya na 39.32 seconds ng kapwa Chinese swimmer na si He Shenggao noong 2023.

Si Shenggao naman ay nakakuha ng silver medal na mayroong 38.98 seconds habang si Sevilay Ozturk ng Turkey ay nagtala ng bronze medal na mayroong 43.70 seconds.