LEGAZPI CITY – Hinikayat ng City Government ng Biñan City sa Laguna ang mga lokal na gobyierno na apektado ng makapal na bagsak ng abo mula sa bulkang Taal sa pagpapatupad ng mabilis na recovery sa tulong ng publiko.
Ito matapos makaisip ng paraan an naturang lugar na mai-convert ang ashfall sa “Taal-eco bricks” at hollow blocks.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Biñan City information officer Roman Carencia, nakakapag-produce ang LGU ng hanggang 6,000 na piraso ng bricks kada araw.
Karaniwang nasa 50 percent ng komposisyon ng bricks na regular na ginagawa ang mula sa white sand na pinalitan ngayon ng abo, 20 percent na lupa at 30 percent ang plastic na mula sa material recovery facility (MRF).
Malaki naman ang epekto nito sa presyuhan ng bricks na mula sa regular na presyo na P10 kada piraso, nasa P5 na lamang ngayon dahil libreng nakukuha ang abo.
Bukas naman ang LGU na ituro at magsagawa ng orientation sa naturang teknolohiya sa mga apektadong lungsod at bayan.
Ipinag-utos na rin ni Mayor Arman Dimaguila Jr. na idonate ang mga bricks sa mga apektado ng pag-aalboroto ng bulkan.
Samantala, sa kasalukuyan ay hindi pa kayang makapag accomocate ng pasilidad ng Biñan ng malaking volume ng ashfall dahil nasa isang hektarya lamang ang MFR sa lugar.