LAOAG CITY- Iginiit ni Mr. Eduardo Teodoro Ramos, Jr., Columnist ng The Ilocano Educator of Ilocos Sentinel na marami ang dapat palitan hinggil sa paraan ng pagtuturo ng mga bata sa panahon ngayon.
Reaksyon ito ni Ramos dahil sa pagiging kulelat ng mga estudyanteng Pilipino sa Creative Thinking Assessment ng Program for International Student Assessment (PISA).
Inihayag ni Ramos na may mga guro na humahadlang sa i-creative thinking ng mga estudyante.
Inihalimbawa ni Ramos na kung naiiba ang pag-iisip ng bata kung paano ang pag-atake sa problema ay may pagkakataon na pinagsasabihan ng guro na matigas ang ulo at iginigiit na iisa lamang ang solusyon ng problema.
Dahil dito, bumababa ang confidence ng bata dahil ang iniisip niyang solusyon sa problema ay hindi umano ito ang tamang solusyon.
Sinabi pa ni Ramos na kung hindi natin hayaan ang mga mag-aaral na ipakita ang creative side nila at walang gumagabay sa kanila ay mananatili silang parang robot.
Una rito, ipinaliwanag ni Ramos na ang creative thinking ay hindi lamang pag-iisip ng kakaibang solusyon upang masolusyunan ang isang problema kundi ito ay tungkol sa pag-evaluate ng tama at naaayon sa sitwasyon.