-- Advertisements --

Hindi na inalintana ng mga fans ang init ng panahon para masilayan ang kanilang mga idolo sa Parade of the Stars ng kauna-unahang Metro Manila Film Festival (MMFF).

Bantay sarado ng mga kapulisan ang mga lugar na dinaanan ng parada hanggang sa Quezon City Circle kung saan isinagawa ang programa.

Nakilahok sa mga float parade ang mga artista na bida sa mga pelikulang kalahok.

Kinabibilangan nina RK Bagatsing at Meg Imperial sa musical na “Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko” ; Gerald Anderson at Kylie Padilla na bida sa pelikulang “Unravel”; Alex Gonzaga at Angeline Quinto sa pelikulang “Single Bells at Coco Martin sa pelikulang “Apag”.

Kasama rin sa parada ang cast ng pelikulang “Yung Libro na Napanood Ko” na kinabibilangan nina Bela Padilla at South Korean actor Yoo Min gon; Enchong Dee, Maris Racal, Awra Briguera at Kalad Karen sa pelikulang “Here Comes The Groom”.

Hindi rin nagpahuli sina Romnick Sarmenta at Elijah Canlas ng pelikulang “About US But Not About Us” at Carlo Aquino ng “Love You Long Time”.