-- Advertisements --

KALIBO, Aklan — Pinabulaanan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang kumakalat sa social media na ‘Parade of Typhoons’ o may paparating pang bagyo ngayong weekends at sa mga susunod pang araw.

Ayon kay Engr. John Michael Diongon ng PAGASA-Iloilo na wala silang nakikitang bagong bagyo o kahit low pressure area (LPA) na papasok sa Philippine area of responsibility sa susunod na mga araw.

Nabatid na ang naturang balita ay nagdulot ng takot at pangamba sa mga mamamayan dahil sa sunod-sunod na bagyong tumama sa bansa lalo na sa bahagi ng Luzon.

Sa kabila nito, malaki pa rin aniya ang posibilidad na bago matapos ang taon ay may papasok pang bagyo sa bansa.