-- Advertisements --

Tahasang binalaan ng management firm ni Sen. Manny Pacquiao na Paradigm Sports ang mga nanghihimasok umano sa boxing career ng eight-division champion.

Sa isang pahayag, binanatan ni Paradigm Sports president Audie Attar ang umano’y mga “shady characters” na pilit nangingialam sa business dealings ni Pacquiao na wala ang kanilang pahintulot.

Iginiit din ni Attar na sa ngayon, ang Paradigm Sports ang tanging humahawak sa karera ni Pacquiao sa boxing.

Aniya, ang sinumang nagpapanggap na manager o kinatawan ni Pacquiao ay mahaharap sa kaso.

“No one outside of Paradigm Sports is involved in any way with the management of Senator Pacquiao’s boxing career at this time,” giit ni Attar. “Anyone falsely representing themselves as Senator Pacquiao’s manager or representatives, as it relates to his remaining fight career, may face legal repercussions.”

Maliban sa Fighting Senator, ilang malalaking pangalan din ang hinahawakan ng paradigm Sports gaya nina Conor McGregor at UFC middleweight world champion Israel Adesanya.